Home HOME BANNER STORY Senator sa e-wallet firms: Online gambling, i-block

Senator sa e-wallet firms: Online gambling, i-block

209
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senador Alan Peter Cayetano sa e-wallet companies na huwag payagan ang paggamit ng kanilang mga platform sa pagsusugal online.

“Konting advice sa mga e-wallets: Tumulong kayo sa bayan. Huwag n’yo nang ipagamit ang inyong platform sa pagsusugal,” ani Cayetano sa kanyang Facebook live.

“Huwag n’yo nang hintayin yung guidelines –kayo na kumilos. Tutal most of you, ang laki naman ng kinikita ng negosyo n’yo,” giit pa niya.

Aniya, dapat kumilos ang mga ito agad at huwag hintayin ang mga alituntunin dahil malaki ang kanilang kinikita at kaya nilang magpatupad ng sariling regulasyon.

Suportado ni Cayetano ang panukalang Anti-Online Gambling Advertisement Act of 2025 na magbabawal sa promosyon ng sugal sa lahat ng media, kasabay ng Ban on Online Gambling Act na inakda ng kapatid niyang si Senador Pia Cayetano.

Samantala, naghain si Senadora Risa Hontiveros ng panukalang batas na ipagbabawal ang akses at patalastas ng online gambling sa mga menor de edad na wala pang 21 taon.

Kasama rin dito ang pagtatakda ng limitasyon sa pustahan sa pamamagitan ng PAGCOR, suspensyon ng account kapag nalampasan ang limit, at minimum 10% buwis sa kita ng online gambling para pondohan ang paggamot sa adiksyon, edukasyon, at pagpapatupad ng batas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here