Home METRO TNVS driver pinagnakawan na, pinatay pa ng mga pasahero

TNVS driver pinagnakawan na, pinatay pa ng mga pasahero

264
0

MANILA, PHilippines – Isang TNVS driver na si Raymond Cabrera ang umano’y pinagnakawan at pinatay ng mga pasaherong kanyang sinundo sa Parañaque noong Mayo 18.

Sa halip na makarating sa Molino, umiikot ang sasakyan sa probinsya. Nairekord ng dashcam ang tunog ng pananaksak sa biktima.

Nakita sa CCTV footage ang dalawang suspek na bumaba sa ninakaw na sasakyan sa Valenzuela at sumakay ng pedicab at isa pang sasakyan.

Nagalit at nalungkot ang pamilya ni Cabrera, na nagsabing patas at tapat itong tao na hindi karapat-dapat sa nangyari sa kanya.

Natukoy na ng NBI ang mga suspek pero wala pa ring balita sa katawan ng biktima. Nag-aalok ang pamilya ng P100,000 na reward para sa impormasyon.

Kinasuhan ang mga suspek ng carnapping at robbery with homicide. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here