Isang 19-anyos na babaeng estudyante ang natagpuang patay na may 38 saksak sa kanyang silid sa Barangay La Filipina, Tagum City noong Miyerkules, Hulyo 9, 2025.
Ayon sa pulisya, nakabalot ng kumot ang bangkay ng biktima at nawawala ang ilang gamit gaya ng laptop, cellphone, tablet, at relo.
Narekober sa crime scene ang grass cutter, bolo, dumbbell, at panyo na posibleng ginamit sa krimen.
Itinuturing na motibo ang pagnanakaw.
Nangako naman si Davao del Norte Police Director Col. Alexander Serrano Jr. ng masusing imbestigasyon at nanawagan sa mga may impormasyon na makipagtulungan.
Nagpasiya ang pamilya ng biktima na ipa-autopsy ang bangkay upang matukoy ang tiyak na sanhi ng pagkamatay. RNT