Home Uncategorized Pinas makikipagnegosasyon sa ipinataw na 20% taripa ng US

Pinas makikipagnegosasyon sa ipinataw na 20% taripa ng US

240
0

MANILA, Philippines – PLANO ng Pilipinas na makipag-negosasyon sa Washington para maibaba ang taripa matapos na magpataw ang Estados Unidos ng 20% duties sa mga kalakal na inaangkat mula sa Maynila.

“We are still planning to negotiate that down,” ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez.

Sa ulat, nagpadala ng mga liham si U.S. President Donald Trump sa mga gobyerno sa buong mundo noong Lunes na ipinapaalam sa kanila ang tungkol sa tariff rates na ipapatupad simula Agosto 1 — bagama’t ang Hulyo 21 na deadline ng Canada upang maabot ang isang kasunduan ay mananatili.

Sinabi ni Trump na siya ay magpapatupad ng 25 porsiyentong taripa sa lahat ng imports mula sa Japan at South Korea simula sa susunod na buwan, na minarkahan ang bagong phase ng trade war na kanyang inilunsad sa unang bahagi ng taong ito.

Ang mga liham na ipinadala sa 14 na bansa sa ngayon — kasama ang mas maliliit na U.S. exporters, tulad ng Serbia, Thailand at Tunisia — ay nagpahiwatig ng mga oportunidad para sa karagdagang mga negosasyon habang nagbabala rin na ang anumang hakbang upang maghiganti ay tutumbasan ng isang like-for-like response.

“If for any reason you decide to raise your tariffs, then, whatever the number you choose to raise them by, will be added onto the 25 per cent that we charge,” ani Trump sa kanyang mga liham sa mga lider ng Japan at South Korea, na kanyang ipinost sa Truth Social platform.

Ang mas mataas na taripa ay ipapatupad sa Agosto 1 at hindi isasama sa dating inanunsyong sector tariffs, tulad ng sa automobiles at steel and aluminum.

Kalaunan, inanunsyo rin ni Trump na ang U.S. ay magpapatong ng 25 porsiyentong taripa sa Tunisia, Malaysia at Kazakhstan; 30 porsyento sa South Africa at Bosnia; 32 porsyento sa Indonesia; 35 porsyento sa Bangladesh at Serbia; 36 porsyento sa Cambodia at Thailand; at 40 porsyento sa Laos at Myanmar.

Sa ngayon, dalawang kasunduan pa lang ang naabot — sa Britain at Vietnam.

Pinirmahan ni Trump ang executive order noong Lunes na pormal na dinelay ang Hulyo 9 na deadline sa Agosto 1, idinagdag na “we are close” sa ilang deal.

Hindi nakatanggap ng liham ang European Union ukol sa mas mataas na mga taripa. Sinabi ng EU sources na nakakaalam sa bagay na ito sa Reuters noong Lunes.

Habang ang ibang bansa ay tinamaan ng mataas na rates, nakaligtas ang Canada sa anumang dagdag na pasakit noong Abril 2.

Dahil sa nakabinbing trade deal na nakatakda para sa Hulyo 9 kaugnay ng mga taripa na ipinataw ng presidente ng U.S. tatlong buwan na ang nakaraan, hindi napasailalim ang Canada sa parehong pressure na makapagsara ng kasunduan sa mga paparating na araw.

Sa halip, sumang-ayon sina Prime Minister Mark Carney at Trump noong Marso na pag-usapan ang isang bagong partnership tungkol sa seguridad at ekonomiya, at tinatrabaho na ito mula nang bumisita si Carney sa White House noong unang bahagi ng Mayo.

Noong nakalipas na buwan, itinakda ng dalawang lider ang Hulyo 21 na deadline para maabot ang isang kasunduan.

Gayunpaman, ang Canada ay tinamaan pa rin ng fentanyl-related tariffs. Ang 25 porsyento na mga taripa, na may mas mababang 10 porsyentong buwis sa enerhiya at potash, ay nag-a-apply lang sa mga export na hindi sumusunod sa Canada-U.S.-Mexico Agreement (CUSMA) sa kalakalan.

Ang Canada ay tinamaan din ng mga taripa ni Trump sa steel, aluminum at automobiles.

Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito na hindi mararamdaman ng Canadians ang impact ng trade negotiations kay Trump ngayong linggo habang ipinataw ang mataas na tariff rates sa ibang bansa na maaaring gambalain ang global trading system at maapektuhan ang Canadians indirectly. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here