Home NATIONWIDE ‘Missing sabungeros’ sisisirin na sa Taal Lake

‘Missing sabungeros’ sisisirin na sa Taal Lake

258
0

MANILA, Philippines – Sisimulan na ang pagsisid sa mga nawawalang sabungero sa Talisay, Batangas ngayong Huwebes ng umaga.

Kasama sa mga magsasagawa ng operasyon ang Philippine Coast Guard (PCG) kung saan dala ang mga kagamitan na gagamitin sa paghahanap sa mga biktima.

Ibinaba ang mga assets sa Coast Guard station madaling-araw ng Huwebes at inilipat sa fishport na magsisilbing staging area.

Kabilang sa mga kagamitang gagamitin ay mga diving suits at fins, oxygen tanks, cadaver bags, first aid kits, life rings, rigid hull inflatable boats, at rubber boats.

Ayon sa awtoridad, ang pinakamalalim na bahagi ng Taal Lake ay nasa 198 meters, na katumbas ng isang 60-storey building.

Kasama ang mga opisyal mula sa Department of Justice, Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group, at PCG sa kauna-unahang diving operation para mahanap ang mga nawawalang sabungero.

Kabilang sa mga kakaharaping hamon sa gagawing operasyon ang posibleng masamang panahon at malakas na agos, gayundin ang banta ng mababang antas ng pagputok ng Taal Volcano.

Kabuuang 34 sabungero ang iniulat na nawawala mula 2021 hanggang 2022 na umano’y kinidnap dahil sa umano’y match fixing o pandaraya sa sabong.

(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here