Home METRO Binatilyong ‘di sumunod sa utos, tinangkang lunurin ni lola sa baha 

Binatilyong ‘di sumunod sa utos, tinangkang lunurin ni lola sa baha 

305
0

CEBU CITY – Bilang disiplina sa hindi pagsunod sa kanyang utos, tinangkang lunurin sa tubig-baha ang 12-anyos na binatilyo ng sarili nitong lola, iniulat  sa Lapu-Lapu City.

Nag-viral sa social media ang video na kuha sa maglola kung saan paulit-ulit na isinubsob sa baha ng lola ang kanyang apo sa isang kalsadang binaha sa nasabing lungsod.

Makikita sa video na umiiyak at nagmamakaawa ang binatilyo habang patuloy siyang isinubsob ng kanyang lola sa maruming tubig-baha. Saka ito binitawan ng lola at tumakbo palayo nang mapansin na may kumukuha sa kanyang video.

Sa pag-imbestiga ng pulisya, nangyari ang insidente noong Marso ngunit kamakailan lamang na-upload ang video.

Ipinatawag naman ang lola sa tanggapan ng City Social Welfare and Development (CSWD), at sinabi nitong nais lamang niyang disiplinahin ang apo na hindi sumusunod sa kanyang bilin na huwag maligo sa baha.

Aniya, pinagsisisihan na niya ang kanyang ginawang pagdidisiplina.

Sa ngayon ay sumailalim sa counseling ng CSWD ang binatilyo. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here