Home ENTERTAINMENT Carla, aminadong natakot kay Maricel!

Carla, aminadong natakot kay Maricel!

256
0

Manila, Philippines – “Notorious” si Maricel Soriano bilang isang aktres na ubod nang sakit manampal, maitawid lang ang isang makatotohanang eksena.

May kapaniwalaan nga sa showbiz, “arrived” na raw ang isang artista pag lumanding na sa pisngi niya ang lumalagutok na sampal ni Marya.

At para sa mga nasampolan ng trademark na sampal ng aktres, isa si Carla Abellana sa mga naka-develop ng phobia.

Ito ang diretsahang inamin ng aktres, na naging isa sa lead cast ng Widows’ War ng GMA.

Tinanong si Carla who among her fellow actresses ang kinatatakutan niya.

Bago binanggit ni Carla ang pangalan ni Maricel, nilinaw niya that her choice is not because of her bad behavior.

Ito’y kundi sa masakit nitong sampal.

In fairness, Carla loves to do a scene kung saan lalabas na makatotohanan ang isang eksenang may sampalan.

Pero takot daw uli siyang masampolan uli ni Maricel.

The least that Carla did ay tinanong daw niya si Maricel kung ano ang technique nito.

Ani Maricel, may sarili raw siyang version kung paano i-execute ang pananampal.

At sa sariling bersyon ngang ‘yon ng beteranang aktres natatakot si Carla na ayaw na uling makaeksena ito pag may sampalan. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here