Home NATIONWIDE Demand sa isda mula Taal bumaba sa mga nawawalang sabungero

Demand sa isda mula Taal bumaba sa mga nawawalang sabungero

292
0

MANILA, Philippines – Bumaba ang demand ng isda na nagpabagal naman sa kabuhayan ng mga mangingisda sa paligid ng Taal Lake, kung saan isinasagawa ng mga awtoridad ang paghahanap sa mga nawawalang sabungero na pinaniniwalaang itinapon dito.

Sa ulat, tanging dalawang bangka na lamang ang humahango ng tilapia at bangus araw-araw sa kasalukuyan, mula sa dating 10 bangka noon, ayon kay Mayor Lyndon Bruce ng Laurel, Batangas.

Nangangahulugan ito na mula sa average daily harvest na 40 tonelada ng isda, bumaba ito sa walong tonelada na lamang dahil sa kakulangan ng order.

“Hindi sila nakakapangisda dahil wala masyadong order na dinadala sa market sa Manila kasi ‘yung nanggagaling na isda dito ay doon dinadala sa fishport ng Malabon at fishport ng all over Metro Manila,” ani Bruce.

“Siguro ay dahil nakikita nga sa social media natin na naandito ‘yung [mga] pinag-uusapang sabungero,” dagdag pa ng alkalde.

Mayroong 1,700 fishpens operator sa Laurel na nagrereklamo na sa epekto ng nagpapatuloy na retrieval operation sa mga hinihinalang labi ng mga nawawalang sabungero.

Iniulat din na humina ang turismo sa Laurel dahil sa kakaunting mga bumibisita sa lugar.

Nagulat naman ang alkalde nang malaman na itinapon sa bahaging ito ng Taal Lake ang katawan ng mga nawawalang sabungero. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here