MANILA, Philippines – Nasa 21 kilo ng dried marijuana na nagkakahalaga ng P2.5 milyon ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa buy-bust operation sa Baguio City.
Sa ulat, sinabi ni PDEA Cordillera Administrative Region Director Derek Carreon na ang dalawang suspek, edad 43 at 52 ay may dalang 20 bricks ng pinatuyong marijuana.
Nasa kustodiya na ng PDEA Cordillera ang mga suspek na nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC