Home ENTERTAINMENT Kalyeserye ng EB, magbabalik?ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Kalyeserye ng EB, magbabalik?July 13, 2025 08:572620 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Sa June 30 ay ipagdiriwang ng Eat Bulaga ang kanilang ika-46 anibersaryo.Pero nitong mga nakaraang araw, kapansin-pansin ang nakakaintrigang teaser na ineere ng nasabing longest running noontime show.Ibinabandera kasi nito ang “tamang panahon”–phrase na sumikat sa tinangkilik na kalyeserye nito.Kung matatandaan, featured sa kalyeserye na segment ang tatlong lola–ang JoWaPau.Portmanteau ito ng mga pangalang Jose Manalo, Wally Bayola at Paulo Ballesteros.Isa itong romantic comedy series na nagpasikat sa AlDub loveteam nina Alden Richards at Yaya Dub na mas kilala na ngayon bilang Maine Mendoza.July 16, 2015 nang isilang ng Eat Bulaga ang talaga namang pumatok na kalyeserye.Dahil sa nakakaintrigang teaser, maugong ang sitsit na magbabalik ang kalyeserye.‘Yun nga lang, obyus na hindi pupuwede si Alden.Maugong ang balitang pagbabalik ng kalyeserye lalo’t ika-10 anibersaryo na nito.“Manifesting,” nakakaintrigang sabi ng isang taga-EB production. Ronnie Carrasco IiI