Home ENTERTAINMENT Luis, tinabla ang show sa ABS CBN!

Luis, tinabla ang show sa ABS CBN!

274
0

Manila, Philippines – Kontrobersiyal ang Taal Lake ngayon dahil sa ginagawang paghahanap ng ebidensiya sa mga nawawalang sabungero.

Bilang kasalukuyang gobernador ng Batangas si Vilma Santos ay hiningi namin ang kanyang opinyon sa ginagawang paghahanap ngayon ng mga technical divers kung saan may nakita nang ilang sako na may buto.

Ayon kay Ate Vi, wala namang lumapit sa kanya or humingi ng opinyon sa kanya ukol dito.

Ang concern lang ng gobernadora ng Batangas ay ang mga mangingisda ng nakatira malapit sa bulkang Taal. Medyo naapektuhan daw ang hanapbuhay ng mga ito, huh!

Anyway, naman si Ate Vi dahil nakarating ang halos lahat ng mga mayors, vice mayors, bokal at ang kanyang vice governor na si Dodo Mandanas sa kanyang inauguration.

Present din ang panganay na anak ni Ate Vi na si Luis Manzano.

Very proud na binanggit ni Ate Vi sa kanyang speech na tutuparin ni Luis ang pangakong iikutin niya ang buong Batangas para sa kung anumang pangangailangan ng mga Batangueño.

Dagdag pa rin ni Ate Vi na dalawang shows sana ang gagawin agad ni Luis sa ABS CBN pero isa lang ang tinanggap ng premyadong TV host para matupad ang pangako nito sa mga taga-Batangas, huh!

Kumbaga ay tinabla ni Luis ang isang show para sa mga taga-Batangas.

Ang mga malalayong lugar na nasasakupan ng probinsiya ng Batangas na hindi kayang puntahan ni Gov. Vi ang bibisitahin ni Luis para tuparin ang kanyang pangako, huh!  Jimi Escala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here