Home NATIONWIDE Bagong opisina ng MCHPC, ipinagkaloob na ni Isko

Bagong opisina ng MCHPC, ipinagkaloob na ni Isko

268
0

MANILA, Philippines – ILANG araw pa lamang na nakakaupo bilang Alkalde ng lungsod si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ay agad nitong tinupad ang pangako sa mga miyembro at opisyal ng Manila City Hall Press Club (MCHPC) na bibigyan niya ito ng bagong opisina, makaraang pormal nang ipasa ni Manila City Administrator Atty. Eduardo “Wardee” Quintos XIV ang susi sa bago nilang tanggapan nitong Lunes ng umaga.

Personal na iniabot ni City Administrator Atty. Quintos ang susi sa Pangulo ng MCHPC na si Jocelyn Tabangcura Domenden kasama ang kanyang mga opisyales at miyembro sa bago nilang tanggapan sa Room 213 na nasa ikalawang palapag ng gusali ng City Hall, katabi ng Office of the Vice Mayor.

Lubos naman ang pasasalamat na ipinaabot ng mga opisyal at miyembro ng pinakamatagal ng samahan ng mga mamamahayag na nangangalap ng balita sa City Hall kina Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Chi Atienza, City Administrator Atty. Quintos, Chief of Staff Cesar Chavez at Secretary to the Mayor Letlet Zarcal.

Napag-alaman na ang MCHPC ay itinatag noon pang 1950’s at isa sa mga pinakamatagal na samahan ng mga lehitimong mamamahayag na naka-assign sa lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila.

Sa kasalukuyan, binubuo ang MCHPC ng mga media personalities na nagmula sa print, radio at TV network. Ilan pa sa mga opisyal at miyembro ng nasabing samahan ay kasalukuyang opisyal ng National Press Club of the Philippines tulad nila Director Gina Mape ng DWWW, Director Aya Yupangco ng DWIZ na isa sa mga nagsisilbing adviser ng MCHPC, at si JR Reyes ng Remate News Central na dating Pangulo ng MCHPC na ngayo’y adviser ng nasabing samahan at Director din ng NPC.

Nauna ng naipangako ni Mayor Domagoso sa grupo ng MCHPC na ililipat at bibigyan sila ng bago nilang tanggapan upang magamit ng Special Mayor’s Action and Response Team (SMART) ang kanilang press office sa mezzanine floor ng unang palapag ng gusali, sa itaas lang ng palikuran ng lalaki. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here