Home NATIONWIDE Presidential fly-by, isinagawa sa Malampaya gas field

Presidential fly-by, isinagawa sa Malampaya gas field

238
0

MANILA, Philippines – NAGSAGAWA ng fly-by si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa nagpapatuloy na Malampaya Phase IV drilling project sa El Nido, Palawan, araw ng Lunes, Hulyo 14, 2025.

Makaraan ang groundbreaking ng Caticlan Passenger Terminal Building sa Caticlan Airport sa Aklan, dumiretso si Pangulong Marcos sa Palawan para silipin ang Malampaya gas project area sa pamamagitan ng fly by.

Winika ng Pangulo, sa ngayon ay may ginagawang drilling sa Malampaya para sa patuloy na pagtuklas ng oil resources sa lugar.

Bahagi aniya ito ng pagsisikap ng gobyerno na makahanap ng suplay ng langis para mapatatag ang reserbang langis ng bansa.

Sinabi pa ng Pangulo na nagpapatuloy ang mga programa ng pamahalaan upang masiguro ang seguridad sa enerhiya ng bansa.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Energy Secretary Sharon Garin na may iba pang ganitong pagtuklas o oil exploration na ginagawa ang bansa sa iba pang lugar sa bansa. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here