MANILA, Philippines – Nagresulta sa pagkakaaresto sa 168 empleyado ng isang online lending company na umano’y nang-harass sa mga nangungutang ang inter-agency operation sa Pasig City, ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) nitong Martes
Sa isang pahayag, sinabi ng PAOCC na ang operasyon ay isinagawa sa 22nd floor ng Robinson Equitable Tower sa Pasig City, ang pangunahing operating hub ng Creditable Lending Corporation, ang kumpanya sa likod ng online lending application na Easy Peso.
Nasamsam ng mga operatiba ang daan-daang computers at iba pang company-issued mobile phones na umano’y ginagamit para sa pang-haharas sa pangonglekta ng utang kasama ang daan-daang SIM cards ,text blasters at harassment scripts.
Ayon sa PAOCC, karamihan sa mga biktima ay inatasan na pagpadala ng kanilang bayad sa kanilang personal e-wallet o bank accounts sa ilalim ng pagkukunwari ng paglilinis ng kanilang mga autang, para lamang makontak muli ng mga kolektor sa kabila ng pagbabayad.
Ang operasyong ito ay nangyari ilang araw lamang matapos binawian ng buhay ang isang lalaki mula sa Valenzuela City matapos dumanas ng harassment mula sa mga indibidwal na konektado sa Easy Peso.
Samantala, sinsusuri ng SEC ang legal at regulasyong pagsunod ng kumpanya, dahil ang mga operasyon nito ay lumilitaw na pinagsamantalahan ang sistema habang maling sinasabing lehitimo.
Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Data privacy Act of 2012 , Truth in Lending Act at Financial Products and Services Consumer Protection Act na may kaugnayan ng panlilinlang, panliligalig, hindi makataong gawi sa pangongolekta na idinulot sa mga nangungutang. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)