Home NATIONWIDE Boat maintenance facility, itatayo ng US sa Palawan

Boat maintenance facility, itatayo ng US sa Palawan

251
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang magtayo ang United States Navy ng boat maintenance facility sa Palawan, ayon sa US Embassy sa Pilipinas.

Sa isang pahayag na inilabas noong Martes, sinabi ng embahada na ang US Naval Facilities Engineering Systems Command noong Hulyo 7 ay naglabas ng public solicitation para sa disenyo at pagtatayo ng bagong pasilidad sa Naval Detachment Oyster Bay.

“The facility will provide repair and maintenance capabilities for several small Philippine military watercraft and will include two multi-purpose interior rooms suitable for equipment storage or conference use,” ayon dito.

The US embassy noted that the boat maintenance facility is “not a military base.”

Ayon sa US embassy, ang proyekto ay inaprubahan ng gobyerno ng Pilipinas alinsunod sa lahat ng naaangkop na local rules and regulations ng dalawang bansa.

Ang lokasyon ng planong pasilidad ng militar ng US ay malapit sa West Philippine Sea kung saan mayroong patuloy na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China.

Patuloy ang tensyon habang inaangkin ng Beijing ang halos lahat ng South China Sea, isang conduit para sa higit sa $3 trilyon ng taunang shipborne commerce, kabilang ang mga bahaging inaangkin ng Pilipinas, Vietnam, Indonesia, Malaysia, at Brunei.

Ang mga bahagi ng South China Sea na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas ay pinalitan ng pangalan ng gobyerno bilang West Philippine Sea upang palakasin ang pag-angkin ng bansa.

Ang West Philippine Sea ay tumutukoy sa mga maritime na lugar sa kanlurang bahagi ng Philippine archipelago kabilang ang Luzon Sea at ang mga tubig sa paligid, sa loob at katabi ng Kalayaan Island Group at Bajo de Masinloc.

Noong 2016, nagdesisyon ang Permanent Court of Arbitration sa Hague na pabor sa Pilipinas ang pag-angkin ng China sa South China Sea, na nagsasabing ito ay “walang legal na batayan.”

Tumanggi ang China na kilalanin ang desisyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here