Home HOME BANNER STORY LPA sa PAR nabuo bilang Tropical Depression Crising

LPA sa PAR nabuo bilang Tropical Depression Crising

322
0

MANILA, Philippines – Nabuo na bilang isang Tropical Depression ang low pressure area sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

“As of 8:00 AM today, 16 July 2025, the Low Pressure area (LPA 07f) being monitored inside the Philippine Area of Responsibility (PAR) has developed into Tropical Depression “CRISING,”” ayon sa advisory ng PAGASA.

Huling namataan ang Tropical Depression Crising sa layong 780 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 50 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 35 kilometro kada oras.

Dahil dito ay inaasahan ang maulang panahon sa mga susunod na araw dahil sa bagyo at sa Southwest Monsoon o Habagat.

Ang Tropical Depression Crising ang ikatlong bagyo na pumasok sa PAR ngayong 2025. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here