Home NATIONWIDE BuCor sa hamon ng KAPATID na imbestigasyon: Bring it on!

BuCor sa hamon ng KAPATID na imbestigasyon: Bring it on!

260
0

MANILA, Philippines – Bukas si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. sa anumang imbestigasyon kaugnay sa naging desisyon nito na ipagbawal na makapasok sa anumang prison at penal farm si Kapatid spokesperson Fides Lim.

Iginiit ni Catapang na wala itong itinatago at handang humarap sa anumang imbestigasyon.

“We are not hiding anything and I can proudly say that Bucor is one of the most transparent agencies of this administration and we value our commitment to accountability,” ani Catapang.

Magugunita na hiniling ng grupong Kapatid na maimbestigahan ang BuCor at suriin ang budget nito dahil sa kabila ng mga security upgrades ay nananatiling mapanupil umano ang proseso ng BuCor.

Gayunman, iginiit ni Catapang na hindi maganda ang asal ni Lim tuwing bumibisita ito sa correctional facility. TERESA TAVARES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here