Home METRO Motoristang gumagamit ng pekeng plaka, binalaan ng LTO

Motoristang gumagamit ng pekeng plaka, binalaan ng LTO

269
0

MANILA, Philippines – Dahil sa mahigpit na kampanya ng pamahalaang binalaan ng Land Transportation Office (LTO) ang mga motorista na gumagamit ng pekeng plaka.

Sinabi si LTO acting Assistant Secretary at LTO Chief Atty. Greg G. Pua, ito ay dahil sa pinaigting na kampanya ng pamahalaan ang paghuli sa mga manufacturers at nagbebenta ng pekeng plaka base na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.  at Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon.

Ayon kay Pua, wala nang rason para tangkilikin ang mga pekeng plaka dahil natugunan na ng LTO ang backlog.

“Lahat may plaka na and right now, we are focusing on immediate distribution of these plates to their owners. In fact, we have already downloaded millions of license plates down to the regional level for distribution,” sabi ni Pua.

Nauna rito magugunitang noong nakaraang linggo, naaresto ng mga tauhan ng LTO at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang apat katao na gumagawa at nagbebenta ng pekeng plaka sa  San Ildefonso, Bulacan.

Ayon kay Pua, tuloy ang pakikipag-ugnayan ng LTO sa PNP para habulin ang mga nag-a-advertise ng pekeng plaka sa social media platforms.

“Titiyakin namin na mananagot kayo kaya ngayon pa lang, itigil na ninyo ang iligal na gawain ninyo,” dagdag ni Pua.

Samantala una nang sinabi ni Pua na na tugunan na ng LTO ang 11-year backlog sa license plates. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here