Home NATIONWIDE Nov. 7 idineklarang special nat’l working holiday bilang pagkilala sa Muslim Filipinos

Nov. 7 idineklarang special nat’l working holiday bilang pagkilala sa Muslim Filipinos

276
0

MANILA, Philippines – Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12228 na nagdedeklara sa Nobyembre 7 bilang special national working holiday.

Ang Sheikh Karim’ul Makhdum Day, ay idineklara bilang isang pagkilala sa kasaysayan at ambag ng mga Muslim Filipino.

Layunin ng batas na gunitain ang pagdating ng Islam sa bansa nang dumating si Sheikh Karimul Makhdum at mga Arabian missionaries sa Simunul, Tawi-Tawi, kung saan itinayo ang unang mosque.

“It is the policy of the State to instill inclusivity regardless of religious beliefs,” ayon sa batas na kumikilala sa mahalagang papel ng Muslim Filipinos sa paghubog ng kultura at sibilisasyon ng Pilipinas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here