Home METRO 8 utas sa salpukan ng 2 van, elf truck

8 utas sa salpukan ng 2 van, elf truck

219
0

AURORA, Isabela – Isang malagim na vehicular accident ang naganap na kinasangkutan ng dalawang van na patungong Tabuk City, Kalinga mula Baguio City, at isang elf truck na ikinasawi ng 8 katao sa bayan ng Aurora, Isabela.

Patungo sa lungsod ng Santiago ang truck habang magkasunod naman na binabagtas ng dalawang van ang kasalungat na direksyon.

Umagaw umano ng linya ang truck dahilan upang mahagip nito ang nauunang van na may sakay na 16 pasahero saka bumangga ulit sa sumusunod na van na may lulang 9 na katao.

Walo ang naitalang dead on arrival sa ikalawang van kabilang ang driver habang unconscious pa sa ngayon ang isang pasahero nito.

Dalawa naman ang nagtamo ng injury sa unang Van at isa ang wala pang malay at patuloy na inoobserbahan sa pagamutan.

Sa walong napaulat na nasawi, apat sa mga ito ang napangalanan na habang patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng apat na iba pa.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Aurora Police Station ang truck para sa kaukulang imbestigasyon at disposisyon. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here