Home ENTERTAINMENT Julia, may banta sa mga babae ni Coco!

Julia, may banta sa mga babae ni Coco!

252
0

Manila, Philippines- Ang lakas ng aliw factor ng naging guesting ni Julia Montes sa vlog ng kontrobersyal na YouTuber na si Euleen “Yobab”Castro.

Siyempre, nagpakita ng galing ang Kapamilya actress ng kanyang kaalaman sa pagluluto na diumano’y namana niya sa kanyang lola.

Kasama ang ibang featured personality, nag-demonstrate din siya ng kaalaman sa paghahanda ng siopao, lumpia at siomai na ilan sa kanyang mga paborito.

Sa kanilang tsikahan, inamin ng actress na hindi siya kumakain ng pipino.

May kuwento raw kasi na noong bata pa siya, na-infest ng surot ang pipino na inihanda nila kaya mula noon ay natakot, nandiri o na-trauma na siya sa cucumber.

Hirit pa niya, hindi raw naman siya mapili pagdating sa pagkain pero kapag daw may pipino ang pagkain ay either tinatanggihan niya o ipinaaalis ito.

Natanong din ang aktres kung ano ang greatest sacrifice na nagawa niya for love.

Ani Julia, kapag daw naman love niya ang isang tao, iyong sacrifice ay nagiging acts of service na hindi na niya inaalintana.

Kumbaga, kasama raw iyon sa sugal sa pag-ibig.

Pabiro ring nausisa si Julia kung ano ang gagawin niya kung sakaling may mga babaeng magtatangkang pumorma o agawin sa kanya si Coco.

Sey ni Julia, lahat daw ng roles na kontrabida ay nagawa na niya tulad ng Mara at Sara kaya hindi na kataka-taka na mag-transform din siya sa mga ganoong karakter in a day.

Dagdag pa niya, subukan din daw ng girls na magkamali at lalabas ang kanyang pagiging fighter. Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here