Home NATIONWIDE 20 utas sa pagbagsak ng fighter jet sa paaralan sa Bangladesh

20 utas sa pagbagsak ng fighter jet sa paaralan sa Bangladesh

248
0

DHAKA – Isang fighter jet ng Bangladeshi Air Force ang bumagsak sa Milestone School and College sa Dhaka nitong Lunes, na ikinamatay ng hindi bababa sa 20 katao kabilang ang piloto, at ikinasugat ng 171 iba pa—ang pinakamalubhang aksidente sa eroplano sa bansa sa nakalipas na ilang dekada.

Karamihan sa mga biktima ay mga estudyanteng edad 8 hanggang 14 na kagagaling lamang sa klase. Ayon sa militar, nagkaroon ng mekanikal na aberya ang eroplano bago bumagsak at magliyab.

Kinilala ang piloto na si Flight Lieutenant Towkir Islam, na noon ay nasa kanyang unang solo flight at sinubukang ilihis ang eroplano mula sa mataong lugar bago bumagsak.

Nagdeklara ang gobyerno ng pambansang pagluluksa at tinawag ang insidente na “hindi masukat na pagkawala.”

Ito ang pinakamalalang air disaster ng Bangladesh mula 1984, nang bumagsak ang isang eroplano na pumatay ng 49 katao. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here