Home HOME BANNER STORY 36 sasakyan nabalahaw sa baha sa NLEX

36 sasakyan nabalahaw sa baha sa NLEX

258
0
TINATANGGAL ng mga tauhan ng North Luzon Expressway (NLEX) sa bahagi g Valenzuela ang samu't saring basura na nakasabit sa cyclone wire na inanod ng tubig baha dulot na tuloy-tuloy na pag-ulan. JOJO RABULAN

MANILA, Philippines – Patuloy ang retrieval operation ng operator ng North Luzon Expressway (NLEX) nitong Martes ng umaga, Hulyo 22, sa Paso De Blas, Valenzuela, matapos na mabalahaw ang 36 sasakyan sa malalim na baha nitong Lunes ng gabi dahil sa malalakas na ulan dulot ng Habagat.

Ayon kay NLEX Corp. Assistant Vice President for Traffic Operations Robin Ignacio, kabilang sa mga nabalahaw ay mga pribadong sasakyan at mga trak.

Iniulat din ang mga nasirang bahagi ng kalsada sa ilang lugar sa expressway.

Ani Ignacio, magsasagawa sila ng patching bilang bahagi ng road repair kung kaya’t inaasahan na babagal ang daloy ng trapiko sa mga oras na ito.

“Uunahin po ‘yung malalalim kasi matagal po ‘yan. Moving naman po ‘yun, pagka-patch po niyan, madadaanan na po ulit ‘yun,” sinabi pa niya.

Gabi ng Lunes nang magsagawa ng pumping efforts ang NLEX Corp. upang pahupain ang baha sa ilang bahagi ng expressway.

“Kung saan pina-pump out ay malaki na rin po ang tubig. Pag nag-pump out ka po, babalik din po, kasama pa po ‘yung malakas na pag-ulan,” sinabi ni Ignacio.

“Naghintay din po ‘yung mga motorista dahil wala silang makitang ibang alternate route. Kailangan pong ihinto namin para hindi na po madagdagan ‘yung maapektuhan sa loob,” dagdag pa niya.

Samantala, kasabay ng pag-alis sa mga nabalahaw na sasakyan ay patuloy din ang pagtanggal ng mga tauhan ng NLEX sa samu’t saring basura na sumabit sa mga bakod at wire ng expressway na inanod sa kasagsagan ng matinding pagbaha.

Pagsapit ng 1:30 ng madaling araw ng Martes, inanunsyo na nadaanan na ulit ng mga motorista ang lahat ng toll plaza sa NLEX, Subic–Clark–Tarlac Expressway, at NLEX Connector. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here