Home NATIONWIDE Injuries, mild medical cases naitala sa kasagsagan ng pagbaha sa Marikina

Injuries, mild medical cases naitala sa kasagsagan ng pagbaha sa Marikina

245
0

MANILA, Philippines – Iniulat ni Marikina City Mayor Maan Teodoro nitong Martes, Hulyo 22 na may mga nasugatan at ilang kaso ng mild medical conditions sa gitna ng patuloy na pagbaha dulot ng habagat na nagpalikas sa libo-libong residente.

“Marami lang kaming injuries, like nasugatan, at may ilan na nagkakaroon ng allergies sa kanilang binti—mga mild medical cases lang na tinutugunan ng lungsod, lalo na sa evacuation centers,” pahayag ni Teodoro sa isang panayam sa ANC.

Ayon sa alkalde, may 30 evacuation centers na binuksan ang lokal na pamahalaan—kabilang ang mga simbahan—na tinutuluyan ngayon ng nasa 4,784 pamilya o humigit-kumulang 23,000 katao.

Sa kabuuang 16 na barangay ng lungsod, 11 ang lubhang binaha lalo na ang mga mabababang lugar malapit sa Marikina River, na umabot sa third alarm nitong Lunes ng gabi.

Patuloy pang sinusuri ng lokal na pamahalaan ang lawak ng pinsala dahil may mga lugar pa rin ang lubog sa baha kahit bahagyang humina na ang ulan.

Bagamat tinutustusan ng lokal na pamahalaan ang pangunahing pangangailangan ng mga evacuees, sinabi ni Teodoro na bukas pa rin sila sa mga donasyon mula sa publiko. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here