Home NATIONWIDE P31M halaga ng gamot inilaan ng DOH sa mga emergency

P31M halaga ng gamot inilaan ng DOH sa mga emergency

276
0

MANILA, Philippines – Humigit-kumulang P31 milyong halaga ng gamot ng nai-deploy sa buong bansa ng Department of Health (DOH) kung sakaling magkaroon ng mga emergency.

Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni DOH spokesperson Undersecretary Albert Domingo na ang suplay ng gamot ay nakahanda na sa mga sumusunod na lugar.

-Ilocos
-Cagayan Valley
-CALABARZON
-MIMAROPA
-Western Visayas
-Central Visayas
-Northern Mindanao

Dagdag pa ni Domingo na nasa P180 milyong emergency medicine ang nananatiling naka-standby at naghihintay ng deployment.

Ayon kay Domingo, hindi ito naidedeploy ngunit kapag talagang kinakailangan ay kanila na itong ipapadala.

Kabilang sa emergency medicine ang CAMPOLAS na mga antibiotics na Contrimoxazole at Amoxicillin, Mefenamic acid para sa pain relief, Paracetamol bilang fever suppresent, Oresol para sa pagtatae, Lagundi para sa ubo at Skin ointments.

Samantala, kasalukuyang nagsasagawa ng pag-iikot ang DOH sa ilang evacuation centers sa Metro Manila.

Binisita na rin ni Health Secretary Ted Herbosa ang mga eskwelahan na ginamit bilang evacuation centers sa Marikina City. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here