Home ENTERTAINMENT Rabiya, nakabawi na sa scam, bibili pa ng 2 bahay!

Rabiya, nakabawi na sa scam, bibili pa ng 2 bahay!

307
0

Manila, Philippines- June 2024 nang malusaw ang in-invest na P1 million ni Rabiya Mateo sa scam.

Sobrang tiwala raw siya sa kanyang kaibigan, that even if she hardly understood the business she was getting into ay sumige pa rin ang dating beauty queen.

To this day, hindi na niya nabawi ang halagang nawala sa kanya.

But the good news is that–nakabili siya ng aniya’y dream house niya.

Ewan if this is the same property na ipinare-renovate ni Rabiya to the point na nag-hire pa siya ng interior designer.

Basta ang bilin lang daw ng kanyang ina–be practical when it comes to spending.

But Rabiya won’t heed her mom’s advice.

Katwiran niya, ‘yun na raw ang pinangarap niyang bahay–she might as well go all the way.

Besides, ayaw nang maalala ni Rabiya ang kanilang nakaraan.

Back then, wala raw silang permanenteng tirahan as they would hop from one place to another sa kawalan ng pambayad sa renta.

Learning from it all kung kaya’t nagsusumikap siyang magtrabaho ngayon.

Having saved enough, balak ni Rabiya na bumili pa ng dalawang bahay aside from their Sta. Rosa, Laguna house.

Take note, as in dalawa–isa para sa kanya at ‘yung isa’y para sa kanyang ina.

Suplada! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here