Home OPINION ONLINE GAMING NA PERO PERYA BUHAY PA

ONLINE GAMING NA PERO PERYA BUHAY PA

278
0

NGAYON, ang pinagkakaabalahan ng mga mambabatas lalo na sa Senado ay ang paghahain ng batas upang matigil na ang mga online gambling na kinalolokohan ng maraming Pilipino.

Sa online gambling platforms, maraming pamilya na ang nasira at maraming kabuhayan ng mamamayan ang nawala.

Ito ang dahilan kaya naman maraming Pilipino ang nangangamba na baka mas lalong maghirap at bumagsak ang ekonomiya ng bansa dahil sa sugal na kinalolokohan ng marami mahirap man o mayaman.

Pero habang nilulutas ng pamahalaan ang problema sa online illegal gambling dapat ay lutasin na rin ng mga pulis ang mga sugal na nagkalat sa iba’t ibang bayan sa Region 4-A o CALABARZON tulad ng perya.

Bago na ang hepe ng Philippine National Police sa katauhan ni PGen. Nicolas Torre III kaya dapat ay ipatiklop na rin niya ang mga sugal na tulad ng online gambling ay sumisira din sa ekonomiya ng mahihirap na pamilya.

Bakit kamo? Kasi nga, ipambibili na lang ng pagkain ng kanyang asawa’t mga anak, isusugal pa sa peryang madaraanan na malapit sa kanilang bahay o kaya naman ay nadaraanan pauwi mula sa trabaho.

Pambili na lang ng bigas ang natitirang sweldo pero isusugal pa sa peryahang kanyang nadaraanan bago umuwi. Sa mga front ang perya na may color game at drop ball, kadalasang may daya ito kaya naman walang panalo ang mga manlalaro. Dahilan upang umuwing luhaan at mainit ang ulo ng naglaro o nagsugal.

Kasi nga ang dapat perang para sa pamilya niya ay naipatalo pa sa sugal.

Kailangang kumilos si Police Regional Office 4A director PBGen Jack Wanky upang matigil na ang mga peryahang nakatimbre sa mga pulis sa kanyang nasasakupan.

Sa Quezon, nakatimbre kaya bukas ang perya ni Ka Tessie. Magkano kaya ang inilabas nitong good will money? At magkano ang kanyang weekly payola?

May perya rin si Ka Tessie sa Calauan, Laguna. Maging si Baby Tomboy ay nananagana dahil sa kanyang operasyon ng perya sa Barangay Dayap, Calauan, Laguna. Si Gerby, ang “Perya King” sa Paete, Laguna. Aktibo rin at malakas ang perya ni Juliet sa Barangay Mayapa, Calamba, Laguna.

Sa Batangas naman ay namamayagpag ang perya ni Trapeche sa Tanauan, Batangas habang ang perya ni Emily ay sobrang lakas sa Cavite.

Sana lang ay huwag natutulog sa kangkungan ang mga pulis na nakasasakop sa mga lugar na nagiging sentro na ng operasyon ng perya, isang uri ng sugalan na madaling makakuha ng “access” at maaliw ang mga tao hanggang makasanayan na.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here