Home ENTERTAINMENT Randy, inoperahan sa mata, aminadong ‘sign of aging’!

Randy, inoperahan sa mata, aminadong ‘sign of aging’!

282
0

Manila, Philippines – Tanggap na tanggap ni Randy Santiago ang katotohanang tumatanda na siya.

Kamakailan nga’y sumailalim siya sa cataract surgery.

“One sign of aging,” post ng singer-director sa Instagram.

Kinailangan daw niyang ipatanggal ang katarata sa mata lalo’t sumampa na siya sa senior years.

Ipinost ni Randy ang ilang larawang kuha sa aktuwal na operasyon, at maging ang photo kasama ang kanyang doktor.

All throughout his singing career, never nakita o nasilayan man lang ng publiko ang kanyang mga mata as Randy would never remove his shades.

Maging sa mga concert at show niya’y hindi niya hinuhubad ang kanyang salamin.

Sinasabing noong high school daw ay tinubuan siya ng cyst sa kaliwang mata.

Kirat ito kung kaya’t nagsusuot siya ng salamin.

The only time Randy took off his glasses was when he appeared in La Luna Sanggre, ang teleserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla noong 2017. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here