MANILA, Philippines — Sinabi ni Sen. Risa Hontiveros na umanib siya sa new minority group sa Senado, na tinalikuran ang naunang plano niyang bumuo ng isang independent bloc.
“My initial plan to form an independent bloc will no longer push through,” saad ni Hontiveros.
“I will be part of the minority,” dagdag niya.
Inihayag niya ito bago buksan ng Senado ang unang regular na sesyon ng 20th Congress sa alas-10 ng umaga.
Ayon kay Senador Hontiveros, una niyang binalak na bumuo o sumali sa isang independent bloc dahil naniniwala siyang ibang grupo ng mga senador ang bubuo sa bagong minorya.
Gayunpaman, kalaunan ay nagbago ang isip niya matapos malaman na ang isa pang grupo ay nag-oorganisa ng isang opposition bloc.
“But now that it’s another bloc forming the minority and other senators will assume the role of Minority Leader, I became open to their invitation and decided to join the minority,” ayon kay Hontiveros.
Nangako ang senador na mananatiling “independent-minded” lawmaker sa kabila ng pagsali sa minority group.
Noong 19th Congress, ang opposition bloc ay binubuo lamang nina Hontiveros at noon-Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III. RNT/MND