Home HOME BANNER STORY Walang bantang namomonitor sa SONA ni PBBM – Torre

Walang bantang namomonitor sa SONA ni PBBM – Torre

227
0

MANILA, Philippines – Walang namomonitor na anumang banta ang Philippine National Police kaugnay ng ikaapat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes, Hulyo 28.

“Sa ngayon naman wala. Okay lang. We are hoping for the best but we are prepared for the worst,” sinabi ni PNP chief Police General Nicolas Torre III sa press briefing.

Sa kabila nito, naka-full alert status pa rin ang PNP kasabay ng pagpapakalat ng nasa 23,000 tauhan para magbigay-seguridad sa SONA.

Kabilang dito ang 16,000 mula sa PNP at 6,000 mula sa ibang ahensya.

Tutulong din ang civil disturbance management team para tumulong sa pagbibigay ng seguridad.

Tatlong grupo lamang ng mga raliyista ang nakakuha ng permit para magsagawa ng mga programa sa lugar ng St. Peter Chapel at Sandiganbayan sa Commonwealth Avenue at sa White Plains, Quezon City.

Ipatutupad ang maximum tolerance sa mga magpoprotesta. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here