MANILA, Philippines -Inihayag ni House Majority Leader Sandro Marcos na susundin nito ang posisyon ng Malacanang ukol sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa panayam kay Marcos bago ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ng kanyang ama na si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sinabi nito na bilang bagong Majority Leader ay nararapat na mayroon itong “balanced view” sa mga usapin.
“We’ll have to see because my role now is Majority Leader. I have to perform a more balanced view. I’m now wearing a different hat so to speak so the answer to that question is I think we just have to wait and see. If the stance of Malacañang is hands off, then I will have to be hands off as well,” paliwanag ni Marcos sa tanong kung ano na ang mangyayari sa impeachment.
Matatandaan na si Rep Marcos ang unang mambabatas na lumagda sa impeachment case laban kay Duterte noong Pebrero.
Ipinaliwanag ni Marcos na dahil sya na ang Majority Leader ay tiyak na iisipin ng taumbayan na sangkot ang kanyang ama, kaya sa mga ganitong pagkakataon ay kailangan nyang maging maingat.
“In this situation, given who I am and my position, if the President gets dragged or his name gets dragged then I will have no choice but to recuse myself,” paliwanag nito.
Sa tanong na ang kanyang nag-ibang pananaw ay dahil sa naging resulta ng midterm election, sinabi ni Marcos na iba na kasi ang kanyang role sa ngayon.
“I wasn’t Majority Leader then. I’m the Majority Leader now,” pagtatapos pa nito. Gail Mendoza