MANILA, Philippines – Umakyat na sa 34 ang bilang ng mga nasawi sa pinagsama-samang epekto ng bagyong Crising, Dante, Emong at southwest monsoon o Habagat, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes, Hulyo 29.
Sa nasabing bilang, dalawa ang naberipika na habang ang iba ay isinasailalim pa sa validation.
Mayroon naman 18 ang sugatan kung saan 11 ang naberipika na at pito ang for validation.
Samantala, mayroong pitong iniulat na nawawala.
Idinagdag pa ng NDRRMC na nagdulot ang sama ng panahon ng 30 landslide at pagbaha sa 526 na lugar.
Dahil dito ay naapektuhan ang 1,857,171 pamilya o 6,670,506 indibidwal. Sa nasabing bilang, 33,694 pamilya o 113,646 katao ang tumutuloy sa evacuation centers habang 21,299 pamilya o 80,496 katao ang nasa labas ng evacuation centers o mga kaanak.
Mayroon namang 586 road sections at 35 tulay ang nagtamo ng pinsala.
Samantala, 15,220 tirahan ang iniulat na nasira sa Region 1, Region 2, CAR, Region 3, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, Region 6, NIR, Region 7, Region 9, Region 10, Region 11, Region 12, CARAGA, at BARMM.
Ang kabuuang agricultural damage naman ay nasa P1,678,196,474.94 at 50,772 magsasaka at mangingisda ang apektado.
Pumalo naman ang infrastructure damage sa P7,355,928,557.34 na naitala sa Region 1, Region 2, CAR, Region 3, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, Region 6, NIR, at Region 10.
Kabuuang 193 lungsod at munisipalidad na ang nagdeklara ng state of calamity. RNT/JGC