Home METRO DOH tutulong sa LGUs sa pagtatayo ng Healthy Public Open Spaces

DOH tutulong sa LGUs sa pagtatayo ng Healthy Public Open Spaces

310
0

MANILA, Philippines – Nakahanda ang Department of Health (DOH) na tumulong sa  mga local government units (LGUs) sa pagtatayo ng mga Healthy Public Open Spaces sa kani-kanilang lugar.

Sa pamamagitan ng kanilang Healthy Public Open Spaces Playbook, sinabi ng DOH na  masusuportahan nila ang mga LGU matapos imandato ni Pangulong Bong Bong Marcos na gawing maaliwalas ang mga open public spaces tulad ng mga park at plaza, pati na rin  ang pagpapatupad ng “Car-Free Sunday.”

Ayon pa sa DOH, kumpleto ang playbook sa mga gabay na maaaring gamitin ng mga LGUs para nas mahikayat ang publiko na maging aktibo, mag-ehersisyo, at maglaro ng sports sa mga mga open spaces.

Hinihikayat naman ng DOH ang mga LGUs na makipag-ugnayan sa kanilang mga regional DOH offices para sa karagdagang assistance at impormasyon para agad itong masimulan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here