Home NATIONWIDE Partisipasyon ng publiko sa 2026 budget deliberations, hangad ng DBM

Partisipasyon ng publiko sa 2026 budget deliberations, hangad ng DBM

271
0

MANILA, Philippines – Hinikayat ng Department of Budget and Management (DBM) ang publiko na maglaan ng oras pa i-monitor ang budget deliberations.

Ito’y matapos na suportahan ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang panawagan na gawing bukas sa publiko ang bicameral budget deliberations upang masiguro ang transparency.

“Ang gusto po sana natin ay makibahagi ang ating mga kababayan lalo na po ang ating mga kabataan para malaman po nila kung paano ang mag-gawa ng budget at kung paano ito matatapos,” ang pahayag ni Pangandaman sa isinagawang post-State of the Nation Address conference sa San Juan City.

“Sinimulan natin na ito ay bukas sa tao. Hanggang sa matapos po ito, ito po ay bukas sa tao,” dagdag na wika nito.

Ani Pangandaman, naging very ‘vocal’ ang ehekutibong sangay ng pamahalaan na gawing transparent ang budget process, mula sa panahon na nilikha ang 2026 budget plan hanggang sa pinagtibay bilang General Appropriations Act.

Sinabi nito na ang kopya ng 2026 National Expenditure Program (NEP), tinawag din na President’s budget, ay ia-upload sa official website ng DBM, sa oras na ipadala na sa Kongreso.

“Sa ngayon po, ini-imprenta na po ang ating budget. In two weeks, ibibigay na po natin ito sa House of Representatives at saka sa Senado,” aniya pa rin.

Tinuran pa nito na magkakaroon ng serye ng konsultasyon at budget deliberations sa Mababang Kapulungan sa Kongreso at Senado.

Sinabi ni Pangandaman na ang DBM sa pakikipag-ugnayan sa ibang ahensiya ng gobyerno, titiyakin na ang panukalang2026 budget ay “responsive” sa mga pangangailangan ng mga tao.

“Kung ano po ang kinakailangan ng ating mga tao, makikinig po kami diyan, magi-invest po kami diyan. We will make sure na kung ano ang budget na nakalaan sa atin ay makarating ng mas mabilis sa mga tao,” ang sinabi ni Pangandaman.

“We will be more transparent and we will be more accountable sa mga kababayan natin,”ang sinabi ng Kalihim. /Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here