Home ENTERTAINMENT Bianca, flinex ang laplapan pic kay Ruru!

Bianca, flinex ang laplapan pic kay Ruru!

523
0

Manila, Philippines- Talk of the town ng mga Marites ang flinex na litrato ni Bianca Umali sa kanyang Instagram account.

Ibinahagi kasi niya ang laplapan nila ng dyowang si Ruru Madrid sa social media.

Ito ay sa okasyon ng kanilang ika-7 taong anibersaryo bilang magkasintahan.

Sey niya: “Pitong taon na… pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin maipaliwanag kung paano mo nagawang baguhin ang mundo ko ng ganito.

“Sa bawat umaga, ikaw ang aking liwanag.
sa bawat gabi, ikaw ang panalangin sa aking puso.

“Hindi ko alam kung anong hiwaga ang meron ka, pero sa’yo ko natagpuan ang kapayapaan sa gitna ng gulo, at ang saya sa gitna ng lungkot.

“Ang dami na nating pinagdaanan—mga gabing puro iyak, mga araw na puro tawa, at lahat ng kwento sa pagitan…

“Pitong taon ng paghawak sa isa’t isa, ng pagtawid sa unos at pagdiriwang sa ginhawa.

“Ngayon, bukas, at sa lahat ng panahon kahit ilang taon pa… ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko.

“Mahal, salamat sa pitong taong puno ng pag-ibig na higit pa sa kayang isalaysay ng kahit anong tula.

“Pitong taon pa lang ‘to, pero parang habambuhay na kitang mahal.

“Sa’yo lang ang tingin, Jose Ezekiel.”

Marami naman ang pinusuan ang nasabing photo.

Katunayan, may mga kinilig sa kanilang tukaan.

Pero kung mga kinilig, may mga nagmamaldita ring inokray ang aktres nang mapag-usapan ito sa isang portal.

Hirit pa ng mga nagmamahadera, kinabog daw ni Bianca si Kristel Fulgar, na isa ring INC member, sa pa-PDA.

“Grabe naman ang pa-PDA na iyan ni Bianca.”

“Laplapan to the max talaga.”

“Hindi ba, bawal ang ganyang PDA sa INC?”

“Eh, di ba nga, si Kristel na INC member, grabe ring irampa ang lovelife sa socmed.”

“Damang-dama mo na inlab na inlab si teh. Sana sila na nga hanggang sa huli ni Ruru.”

“Nagpa-convert iyan para kay Ruru. So, ganoon siya ka-head over heels kay Ezekiel.”

“Kinabog si Kristel. Hahaha.”

“Sana endgame na nga sila at wala nang incident ng sagasaan sa parking lot. Hahaha.”

“Feeling ko, nag-mature na si ate at hindi na siya ganoon ka-possessive.”

“Ang alam ko, bawal iyan sa INC.”

“Ang suwerte naman ni Ruru kay Bianca. Sana all.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here