Home HOME BANNER STORY Sulu inilipat na ni PBBM sa Region IX kasunod ng desisyon ng...

Sulu inilipat na ni PBBM sa Region IX kasunod ng desisyon ng SC

257
0

MANILA, Philippines — Inilipat na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lalawigan ng Sulu sa Region IX (Zamboanga Peninsula) matapos pagtibayin ng Korte Suprema (SC) na hindi ito bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa bisa ng Executive Order No. 91 na nilagdaan noong Hulyo 30, sinabi ng Pangulo na may kagyat na pangangailangan upang maisakatuparan ang desisyon ng SC, lalo na sa usapin ng regional affiliation ng Sulu, habang tiniyak ang tuloy-tuloy na operasyon ng pamahalaan at serbisyo sa lalawigan.

Inatasan ni Marcos ang lahat ng ahensya ng pambansang pamahalaan na ituring ang Sulu bilang bahagi ng Region IX pagdating sa regional administration, development planning, investment programming, budgeting, at iba pang may kaugnayan dito.

Binuo rin ni Marcos ang isang technical working group (TWG) na pamumunuan ng kalihim ng Department of Budget and Management upang:

Subaybayan ang implementasyon ng desisyon ng SC

Ihanda ang transition plan

Tugunan ang anumang isyu o suliraning lilitaw

Humingi ng tulong mula sa ibang ahensya kung kailangan

At magsumite ng taunang ulat sa Office of the President

Sa isang pahayag nitong Sabado, nanawagan si Bangsamoro Interim Chief Minister Abdulraof Macacua ng katahimikan, pagkakaisa at pag-unawa sa gitna ng paglilipat ng Sulu.

“We have and will continue working closely with the national government and the concerned agencies to facilitate a smooth, orderly, and respectful transition that does not disrupt essential public services. Education, healthcare, social assistance, and all other government support must continue without interruption for the people of Sulu,” ani Macacua.

Noong Setyembre 2023, pinagtibay ng Korte Suprema ang constitutionality ng Bangsamoro Organic Law (BOL), subalit idineklara nitong hindi dapat naisama ang Sulu sa BARMM.

Sa plebisito noong 2019, tinutulan ng Sulu ang ratipikasyon ng BOL.

“Our doors will never close,” ayon kay Macacua. “The ties of history, culture, and kinship between Sulu and the rest of the Bangsamoro remain strong.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here