Home NATIONWIDE 68 patay, 74 nawawala sa paglubog ng migrant boat sa Yemen

68 patay, 74 nawawala sa paglubog ng migrant boat sa Yemen

174
0

YEMEN – Umakyat na sa 68 ang bilang ng mga nasawi sa paglubog ng migrant boat sa dagat malapit sa Yemen.

Kasabay nito ay mayroon pang 74 na nawawala at patuloy na pinaghahanap sa isinasagawang search and rescue operations.

Narekober ng rescue teams ang 68 bangkay sa buong araw sa coastline ng southern Abyan province, habang 12 survivor naman ang naiahon, ayon kay Abdul Qader Bajamil, director ng health office in Abyan province.

Agad na ibinyahe patungong Shaqra General Hospital ang mga nakaligtas para sa emergency medical treatment.

Nananatiling nasa kritikal na kondisyon ang ilang survivor dahil sa matagal na exposure sa tubig-dagat at pagkapagod.

Naganap ang trahedya Sabado ng gabi nang lumubog ang smuggling boat sakay ang 154 Ethiopian migrants bandang alas-11 ng gabi dahil sa malakas na hangin at masamang panahon.

Kinumpirma ng Abyan security authorities na lahat ng biktima at survivor ay mga Ethiopian na bahagi ng nagpapatuloy na paglalakbay ng African migrants patungong Yemen at pumunta sa Gulf countries para sa mas maginhawang buhay. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here