Home HOME BANNER STORY Pamamaril sa klasrum sa Nueva Ecija iniimbestigahan na ng DepEd

Pamamaril sa klasrum sa Nueva Ecija iniimbestigahan na ng DepEd

262
0

MANILA, Philippines – Kinondena ng Department of Education ang pamamaril sa isang klasrum kung saan dalawang estudyante ang nasa kritikal na kondisyon sa Nueva Ecija.

“Schools must always remain a safe and secure place for learners, teachers, and personnel. Any act of violence within or near school grounds is unacceptable and will not be tolerated,” saad sa pahayag ng DepEd nitong Biyernes, Agosto 8.

Ayon sa DepEd, nakipag-ugnayan na ang Schools Division Office ng Nueva Ecija sa lokal na mga awtoridad at law enforcement agencies para imbestigahan ang insidente.

Sinabi rin ng ahensya na nagbibigay na ito ng psychosocial support at stress debriefing sa mga apektadong estudyante at mga staff, kasabay ng pagpapalakas ng security protocols at pagbabalik sa normal ng paaralan at mga kalapit na lugar.

“We likewise support the ongoing efforts to provide assistance to the families of the victims,” ayon sa DepEd.

Sa ulat, naganap ang insidente sa Sta. Rosa Integrated School in Nueva Ecija, kung saan binaril ang babaeng Grade 10 student ng ex-boyfriend nito sa loob ng silid-aralan.

Matapos ang pamamaril ay nagbaril din sa sarili ang lalaking estudyante.

Kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon ang dalawa matapos magtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here