Home NATIONWIDE Siklista patay sa bangga ng SUV

Siklista patay sa bangga ng SUV

264
0

MANILA, Philippines – Isang bicycle rider ang namatay makaraang mabangga ng isang SUV habang nagbibisikleta sa Imus City, Cavite.

Patay na ng idating sa Medical Center ang biktmang si Moises Ais Verona, 34, isang messenger ng Brgy. Pasong Buaya 2, Imus City, Cavite.

Sa report ng pulisya, kinilala naman ang driver ng kulay Ivory white na SUV na may plakang NKS 4887 na si Peter John Medado Agsam, 29, isang Government Employee na residente ng Brgy Bucandala 3, ng nasabing lungsod.

Batay sa isinagawang imbestigasyon, bandang alas-6:00 kamakalawa ng hapon habang nagbibisikleta ang biktima nang nasagi ito ng driver ng SUV.

Isinugod ng mga rumespondeng miyembro ng CDRRMO sa ospital ang biktima subalit hindi na sinuwerteng mabuhay pa dahil sa tinanong sugat nito. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here