Home METRO Lady rider bumuwal sa lubak, lasog sa truck

Lady rider bumuwal sa lubak, lasog sa truck

243
0

Bulacan – Dead on arrival sa pagamutan ang babaeng motorcycle rider matapos umanong masagasaan ng truck sa bayan ng Plaridel.

Kinilala ang kalunos-lunos na biktima na si Loi, residente ng Brgy. Malibong Matanda.

Sa report, binabaybay ng rider ang Plaridel Access road sakop ng Brgy. Parulan bandang 8:40 ng umaga nitong Agosto 9, nang tangkaing unahan ang truck sa malubak na lugar ngunit bumuwal ito sa kalsada.

Dahil dito, nasagasaan ng truck na minamaneho ng isang nagngangalang “Jun” ng Talavera, Nueva Ecija ang biktima.

Agad isinugod ng rumespondeng rescue team ang biktima sa ospital para sa paunang lunas subalit binawian na ito ng buhay kalaunan.

Nahaharap ang driver sa kaukulang kaso habang nasa kostudiya ng lokal na pulisya sa lalawigang ito. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here