Home METRO Bagong-turn over na PCSO ambulance, na-aksidente

Bagong-turn over na PCSO ambulance, na-aksidente

210
0

NORTHERN SAMAR, Philippines – Isang bagong turn-over na patient transport vehicle (PTV) tumagilid at nahulog sa kanal habang patungo sa bayan ng Catarman, Province ng Northern Samar.

Ang PTV ay kabilang sa 124 PTV, o ambulance units, na ipinamahagi sa mga munisipalidad at lungsod sa Eastern Visayas ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa isang ceremonial turnover sa Ormoc City noong Agosto 18, 2025.

Naaksidente ang ambulansya sa Barangay Getigo, bayan ng Lope de Vega hatinggabi noong Agosto 18, 2025.

Ayon sa imbestigasyon ng Lope de Vega Police, nawalan ng kontrol sa sasakyan ang 41-anyos na driver nang iwasan umano ang isang kalabaw na biglang tumawid sa kalsada.

Dahil sa makapal na hamog at malakas na pag-ulan, ang visibility sa lugar noong panahong iyon ay naiulat na limitado.

Sa kabila ng kondisyon ng bagong turn over na sasakyan, kumpirmadong ligtas ang driver.

Sinabi ni Catarman Mayor Dianne Esidera Rosales na nakipag-ugnayan na siya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nag-donate ng mga sasakyan.

“Nag-collaborate sa PCSO general manager assign diri sa Northern Samar nga ini nahitabo ng incident. And with that naghatag mag assurance sa aton ang PCSO na buligan kit pag-asister para ma-claim ta man liwat ang insurance,” ani Rosales. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here