MANILA, Philippines – Si Janet Lim-Napoles, ang sinasabing utak sa likod ng “pork barrel scam”, ay nakakuha ng panibagong hanay ng paghatol mula sa Sandiganbayan.
Ibinaba na rin ng Special Third Division ng Sandiganbayan ang hatol na guilty kay Dennis Cunanan, ang dating deputy director general ng wala na ngayong Technology Resource Center (TRC), Maria Rosalinda Lacsamana, dating TRC group manager, at Rhodora Mendoza ng abolished state firm na National Agribusiness Corp.
Sa 149-pahinang desisyon na inihayag noong Biyernes, napatunayang guilty si Napoles sa dalawang counts ng graft at dalawang counts ng malversation. Sina Cunanan at Lacsamana ay hinatulan ng tig-iisang bilang para sa graft at malversation, gayundin kay Mendoza.
Si Napoles ay sinentensiyahan ng 12 hanggang 20 taon para sa kasong graft, 20 hanggang 34 na taon para sa mga kasong malversation. Sina Cunanan at Lacsamana naman ay kailangang magsilbi ng anim hanggang 10 taon para sa graft at 10 hanggang 14 na taon para sa malversation charge.
Si Mendoza naman ay hinatulan din ng anim hanggang 10 taong pagkakakulong para sa graft at 10 hanggang 18 taon para sa malversation.
Ang kaso ay nag-ugat sa pag-endorso at pagpili ni Cagas sa People’s Organization for Progress and Development Foundation Inc. (Popdfi) at Social Development Program for Farmers Foundation Inc. (Sdpffi), na parehong non-government organization na pinatatakbo at kinokontrol ni Napoles, bilang “project partners” para sa distrito ng mambabatas para umano sa pagbibigay ng mga pakete sa produksyon ng agrikultura sa kanyang nasasakupan.
Nakatanggap si Popdfi ng P2.7 milyon mula sa PDAF ng Cagas, habang P4.85 milyon naman ang napunta sa Sdpffi, ayon sa korte.
Sinabi ng state prosecutors na ang pagpoproseso ng PDAF ay nagbigay-daan kay Napoles at sa iba pa “ to take possession and thus misappropriate PDAF-drawn public funds, instead of implementing the PDAF-funded projects; which turned out to be non-existent” at ang pagpili ng mga organisasyon para sa mga proyekto ay hindi sumailalim sa public bidding.
Sa kaso ng Popdfi, inutusan ng korte sina Napoles, Cunanan at Lacsamana na bayaran ang multang katumbas ng malversed na P2.7 milyon at bayaran ang gobyerno ng parehong halaga na may interes. Para sa Sdpffi, inutusan ng korte sina Napoles at Mendoza na magbayad ng multa na P4.85 milyon at magbayad ng danyos sa kaparehong halaga na may inilapat na interes.
Sa paghatol sa kanila, itinuro ng anti-graft court na bagama’t ang kinauukulang NGO ay maaaring ipatupad ang mga proyekto ng PDAF, dapat ay isinasaalang-alang pa rin ng akusado ang “indispensable requirement” para sa public bidding sa kaso ng mga pondong ibinayad sa Popdfi.
Sinabi rin ng Sandiganbayan na “satisfactorily established the extent of the participation” nina Napoles, Cunanan, Lacsamana at Mendoza sa mga kaso. RNT/MND