MANILA, Philippines – Sa mahigit 50 pasaherong sakay ng isang tour bus na bumagsak sa Upstate New York noong Biyernes ng hapon ay ilang Pilipinong turista, ayon sa pulisya.
Sinabi ng tagapagsalita ng New York State Police na si Trooper James O’Callaghan na ang mga pasaherong sakay nito ay mula sa Indian, Chinese, at Filipino ethnicity.
Nakikipag-ugnayan ang Philippine Consulate sa New York sa New York State Police para matukoy ang bilang at kondisyon ng mga Filipino at Filipino American na pasaherong sakay.
“Still waiting for official word from authorities. Right now they are only giving details to immediate family,” sabi ni Mangalile.
Nag labas ng advisory ang Philippine Consulate: “The Philippine Consulate is monitoring developments and remains ready to extend assistance to any Filipino national who may have been affected,”
Ang mga Pilipinong may mga kamag-anak na posibleng sangkot sa insidente ay maaaring makipag-ugnayan sa emergency hotline ng Assistance-to-Nationals (ATN) Section ng konsulado sa (917) 294-0196.
Ayon sa ulat ang bus ay pabalik sa New York City mula sa Niagara Falls nang bumagsak ito sa Interstate 90 sa bayan ng Pembroke.
Sinabi ng pulisya na nawalan ng kontrol ang driver sa sasakyan, na ilang beses na gumulong bago lumapag sa gilid ng freeway.
Ang mga pasaherong walang suot na seat belt ay tumilapon mula sa kanilang mga upuan. Ilang pasaherong kritikal na nasugatan ang kinailangang i-airlift at dalhin sa iba’t ibang ospital para magamot.
Hindi bababa sa lima ang namatay, habang dose-dosenang ang nasugatan sa insidente. RNT/MND