MANILA, Philippines – May mataas na posibilidad na mabuo bilang isang bagyo ang low pressure area malapit sa Mindanao.
Ayon sa PAGASA, ang LPA ay namataan 940 kilometro silangan ng southern Mindanao.
“The low pressure area (LPA 08F) located inside the PAR [Philippine Area of Responsibility] is also being monitored and has now a ‘high’ potential of developing into a tropical depression within the next 24 hours,” saad sa abiso ng PAGASA.
Ngayong araw, Agosto 24, inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa trough ng LPA sa Caraga, the Davao Region, Northern Mindanao, Sarangani, Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, at Bohol.
Kung magiging isang bagyo, ito ang ika-10 na papasok sa PAR ngayong taon at ikalima ngayong Agosto. Tatawagin itong Jacinto.
Samantala, lumabas na ng Philippine Area of Responsibility ang Tropical Storm Isang. RNT/JGC