Home NATIONWIDE ‘Jacinto,’ habagat magpapaulan ngayong linggo!

‘Jacinto,’ habagat magpapaulan ngayong linggo!

326
0

MANILA, Philippines – Inaasahan ang pag-ulan sa mga susunod na araw habang papalapit ang low pressure area (LPA) sa bansa ngayong linggo.

Ang LPA, na kasalukuyang matatagpuan sa silangan ng Mindanao, ay inaasahang mararamdaman sa eastern sections ng Visayas at Southern Luzon ngayong Lunes at Martes bago tumawid sa Luzon sa Miyerkules.

Ito ay may mataas na tsansa na maging bagyo at tatawaging “Jacinto.”

Ang potensyal na bagyo ay inaasahang magpapalakas ng habagat, na makakaapekto sa karamihan sa mga lugar sa central at southern Philippines hanggang midweek at western Luzon pagkatapos nito.

Ang extension ng LPA ay magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa silangang bahagi ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao sa Lunes. Mas maraming lugar sa Luzon ang maaapektuhan habang papalapit at tatawid sa Luzon sa Martes at Miyerkules.

Ang Habagat ay magdadala ng monsoon rains sa MIMAROPA, Visayas lalo na sa Panay at Negros, at kanluran at gitnang Mindanao Martes hanggang Miyerkules.

Sa Huwebes at Biyernes, ang labangan ng habagat ay magpapaulan pa rin sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.

Posible ang pagbaha at pagguho ng lupa sa matagal at malakas na pag-ulan.

Ang isa pang LPA ay maaari ring pumasok sa PAR sa katapusan ng linggo, na may mababang potensyal na maging bagyo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here