QUEZON CITY, Philippines – Isang sunog ang sumiklab sa bahagi ng PNP General Hospital sa Camp Crame, Quezon City, Linggo ng gabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa medical center sa loob ng Philippine National Police headquarters bandang alas-10:06 ng gabi at itinaas ang unang alarma alas-10:34 ng gabi.
Idineklarang fire out ng alas-11:19 ng gabi. RNT/MND