Home METRO Binatilyo, binaril ng senglot na kapwa estudyante

Binatilyo, binaril ng senglot na kapwa estudyante

234
0

ABRA, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang binatilyo matapos barilin ng kapwa estudyante sa labas ng kanilang eakwelahan sa University of Abra main campus sa Sitio Mapaloong Barangay Poblacion, Lagangilang Abra.

Kinilala ang biktima na si Prince Albert Barbosa, 18-anyos, residente ng Barangay Libtec, Dolores habang ang suspek na si Jave, 24-anyos, residente ng Brgy. Calao, Bucay ay kapwa estudyante ng naturang paaralan.

Batay sa paunang imbestigasyon nakainom umano ng alak ang suspek nang tuksuhin nito ang biktima at kalaunan ay binaril ng tatlong beses sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Agad itong tumakas gamit ang isang motorsiklo.

Hanggang sa ngayon ay patuloy na nagsasagawa ng manhunt operation ang mga kapulisan para sa agarang pagkakadakip ng suspek. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here