Home HOME BANNER STORY 3 arestado sa Clark sa pagdukot sa mga Korean

3 arestado sa Clark sa pagdukot sa mga Korean

203
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng pulisya ang tatlong lalaki sa Clark Freeport and Special Economic Zone sa Mabalacat City, Pampanga dahil sa kaugnayan sa pagdukot sa dalawang Korean national.

Hinuli ng Mabalacat police nitong Linggo ng hapon, Agosto 24, ang mga suspek matapos makatanggap ng report kaugnay sa sasakyang ginamit sa pagdukot.

Matagumpay naman na nasagip ang dalawang Korean na residente ng Angeles City.

Narekober sa mga suspek ang tatlong armas, 44 live rounds at iba’t ibang ID.

Nasa kustodiya ng pulisya ang tatlong suspek.

Nauna nang nagbabala ang Korean Embassy sa mga Korean national dito sa Pilipinas na limitahan ang kanilang outdoor activities dahil sa mga krimen.

Samantala, sinabi ng Presidential Anti-Organized Crime Commission na bumaba ang bilang ng mga turistang Koreano sa Pilipinas dahil sa mga krimeng ito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here