Home METRO Top 9 most wanted na rapist sa Region 2, himas rehas

Top 9 most wanted na rapist sa Region 2, himas rehas

236
0

SAN MANUEL, Isabela – Himas rehas ang tinaguriang Top 9 Most Wanted Person sa region 02 matapos ang matagumpay na operasyon ng pulisya sa Purok 3, Brgy. Santa Cruz, San Manuel, Isabela.

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Clarence Labasan, hepe ng Quezon Police Station kay PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isaba Police Provincial Office o IPPO para panagutin ang may sala sa batas, kinilala ang akusado bilang si alyas “Rogelio,” 39 anyos, may asawa, isang magsasaka, at residente ng nasabing lugar.

Batay sa Mandamiento De Aresto na inilabas noong Hulyo 30, 2025 ng isang Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 23, Roxas, Isabela na may Criminal Case Numbers 23-5312-25 at 23-5313-25, na may kasong rape o dalawang ulit na panggagahasa sa menor de edad ma walang inirekomendang piyansa.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni PCol. Bauding ang Quezon Police Station sa pamunuan ni PMaj. Labasan bilang nanguna sa naturang operasyon at umalalay na San Manuel Police Station, Provincial Intelligence Unit- Isabela PPO, Regional Mobile Unit 2, at 3rd MP-Lepanto Forward Operating Base- 201st MC, RMFB2.

Pansamantala, nasa kustodiya ng Quezon Police Station ang akusado para sa kaukulang dukomentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here