Home METRO Walang Plastikan 2025 sa Navotas

Walang Plastikan 2025 sa Navotas

202
0

NAGTIPON ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas noong Sabado, kasama ang mga residente, youth groups, at environmental advocates sa “Walang Plastikan 2025,” na isang araw na kaganapan na naglalayong bawasan ang
paggamit ng single-use plastics.

Ang programa ay ginanap sa Navotas Convention Center na inorganisa sa pakikipagtulungan sa EcoWaste Coalition and Smöl Productions.

Itinampok dito ang advocacy booths, at isang konsyerto kasama ang mga performer tulad ng Kiyo, Autotelic, Shortone, Space Moses, Sica, Supafly, Deny, Gat Putch, Much Love, Colt, at Omar Baliw.

Sa kanyang talumpati, ipinaalala ni Mayor John Rey Tiangco sa mga residente ang epekto ng plastic waste sa coastal ecosystem ng lungsod.

“Ang Walang Plastikan ay hindi lang concert o fair. Ito ay hamon para sa ating lahat. Mahirap maging plastic-free at zero waste. Pero unti-unti, kaya natin,” ani Tiangco.

Itinuro niya ang ilang mga hakbangin, kabilang ang 14 Juana Zero Waste Stores, na nag-aalok ng mga refill stations para sa mga mahahalagang bagay tulad ng vinegar, soy sauce, salt, at bigas. Sa pamamagitan ng paghikayat na magdala ng kanilang sariling magagamit na mga lalagyan, ang mga tindahan ay gumagawa ng mga produkto na mas mura habang binabawasan ang basura.

Ang lungsod ay nagpapatupad din ng ordinansang ‘No Plastic Friday’ na nagbabawal sa paggamit ng mga plastic bags sa mga negosyo tuwing Biyernes.

“Bilang isang fishing community, mahalaga sa atin ang kalusugan ng ating karagatan. Ang plastik ay nagiging microplastics na napupunta sa dagat, kinakain ng isda, at sa huli, tayo at ang pamilya natin ang kumakain nito,” sabi ni Tiangco.

Hinimok ng alkalde ang mga residente na gumawa ng maliliit na
pagsasaayos sa pamumuhay, tulad ng pagdadala ng mga eco-bags, paggamit ng mga refillable bottle, at waste segregation para makatulong na mabawasan ang plastic pollution.

“Ang ating panata: Iwasan ang plastic, alagaan ang dagat, at
proteksyunan ang susunod na mga henerasyon. Sama-sama tayong magsasabing, Walang Plastikan,” pahayag niya. JOJO RABULAN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here